***1***
Hay naku, siraulo talaga yung tao na yan. Akalain mong ibato sa akin yung ballpen niya? Mukhang metal pa man din! Kapag ako nagkabukol nito, kasalanan niya. Pasalamat siya kahit teacher siya close kami.
"Ang sakit nun ah!" hinawakan ko naman yung noo ko.
"Hindi ka na naman nakikinig sa akin. Ilang beses ko nang inexplain sa 'yo." sabi niya sa akin tapos pinulot niya yung ballpen niya sa ilalim.
"Naiintindihan ko." tumango-tango naman ako pero sa totoo lang, hindi ko talaga naintindihan, "Para Sports Curriculum lang naman! Ano namang mahirap intindihin dun?"
"O sige, ulitin mo nga yung sinabi ko?"
"Uhmmm, yung sports kagaya nung mga regular classes eh considered.. academic ng sports curriculum. Yung ibang activities, extra-curricular."
"Yan yung shorter version."
Narinig ko namang nag-alarm na. Ngumiti ako sa kanya ng nakakaloko.
"Akalain mo yun, na-save ako ng alarm! Paano ba yan, alis na ko! Alam ko namang tanggap na ako doon sa sinalihan ko! Ayoko yatang ma-late!"
Tumakbo na ako palabas nun. Sumigaw pa siya ng pahabol.
"Sa susunod nga magsuot ka naman ng blouse! Hindi pa kita nakikita magsuot ng blouse!"
"Alis na ako!"
Nung nakalabas na ako ng Guidance Office, inayos ko naman yung sumbrero ko at nalalaglag na yung buhok ko. Nagpunta lang ako doon sa Guidance para maintindihan ko yung terms. Isa pa, galing kasi ako sa Computer Curriculum. Nag-iba yung interest ko kaya lumipat ako sa Sports.
Pagdating ko doon sa room na kung saan nila sinabi na doon daw magkita-kita, naupo ako doon para maghintay. Please lang sana nakuha ako.. please lang...
Tinignan ko yung relo ko. Anak ng tinapay! Sinabihan nila ako na sharp pumunta dito tapos sila yung wala! Kakainis na mga yun.
Nagsisimula na akong mabwisit nun hanggang sa nakita kong may tatlong lalaki na naglalakad ng mabilis. Yung dalawa doon eh namumukhaan ko dahil sila yung nagpatry-out sa akin at sinabi nila na ok na ok daw ako. Aba, mukhang malaking pag-asa!
Yung isa naman na hindi ko kilala eh masyado namang seryoso at naupo doon sa table na nasa harapan ko. Narinig ko yung pinag-uusapan nila nung dumaan sila.
"Bro, sinasabi ko sa iyo itong Chris? Magaling!" sabi nung isa na katabi niya.
Bumulong naman yung isa.
"Oo nga bro, kahit anong mangyari.. isipin mo.. yung Chris.. magaling!" naki-oo naman yung isa.
Mukhang nairita yata yung isa kaya huminto, sa harapan ko pa.
"Kayong dalawa, bakit ba ang weird niyo kumilos ngayon? Kung i-brainwash niyo ako parang nakagawa kayo ng kasalanan. Kung magaling yung Chris, e di magaling!"
Teka.. parang kilala ko na yung pinag-uusapan nila.
Nag-bye naman yung dalawang nagpatry-out sa akin at ang naiwan na lang doon sa loob eh ako at yung lalaking seryoso. Nagtingin-tingin siya sa paligid niya tapos natigil siya sa akin.
"Excuse me, busy kami ngayon so mamaya na lang po kayo mang-istorbo."
Napataas yung kilay ko.
Tumayo naman ako sa harapan niya.
"Late na yung Chris na yun, kasasabi lang na dumating dito ng sharp. Ayoko pa naman ng mga late!"
Excuse me? Ayaw daw niya ng late eh nauna pa ako sa kanya dito! Sapakin ko kaya 'to.
"Miss, labas na." tinuro niya yung pinto.
"Pinapunta-punta niya ako dito ng 3 o' clock sharp tapos pinapaalis mo ako? Ang gulo talaga ng mga lalaki!" tumalikod ako para lumabas ng pinto.
Hinwakan naman niya ako sa braso ko.
"I'm sorry?" tinignan niya ako ng nagtataka, "Bakit ka naman namin papupuntahin dito?"
"Eh kasi po, yung mga kasamahan mo sinabi nila pumunta daw ako dito dahil pasok daw ako from try-outs pero kailangan ka pa kausapin."
"Teka-teka, isa lang yung nakapasok from try-outs. At ang pangalan eh Chris. You're not Chris."
Ooh... parang alam ko na yung iniisip nito.
"Chris nga pala." inextend ko yung kamay ko pero hindi niya tinanggap.
Pigilan niyo ko!! Tinalikuaran ba naman ako.
"A girl? Skateboarding? No way!" aba-aba, anong masama kung babae ka! "Kung hindi ko lang alam, nilagay mo lang na Chris yung pangalan mo para makuha ka dahil alam mong hindi kami tatanggap ng babae."
Sasampalin ko 'to eh!
"Kasalanan ko ba kung Chris ang pangalan ko? Chrisandra Orellana nga pala.. Chris for short." nag-iinit talaga yung ulo ko.
"Nobody mentioned that.. you're a girl."
"Napansin ko nga!!!"
Nanahimik kami parehas doon at walang nagsalita. Siya naman, nakatingin doon sa table niya. Naisipan din naman niyang magsalita. Finally..
"Alam mo naman na mahirap tumanggap ng babae. Isa pa, skateboarding yun!"
"Ano namang problema kung babae ako?" hinigpitan ko lalo yung sumbrero ko. "Kaya ko naman eh."
"Iba kasi ang mga babae sa mga lalaki. Mas mabilis kayong mag-panic."
Yun lang?!? Gusto kong matawa sa kanya.
"Hindi kita pwedeng tanggapin."
Napatayo ako ng mabilis.
"Hindi pwede yan! Magrereklamo ako sa Guidance! Sa Principal! Kahit kanino! Alam mo ba kung anong ginagawa mo? Sexual discrimination! At bawal yan sa school rules, code 3, paragraph 4, line 2!"
"Ok-ok! Huwag mo nang sabihin sa akin yung history ng rules ng school! Fine.. you're in!"
Nagtatatalon naman ako sa tuwa. Pasok na ako! I can't believe it.
May kinuha siyang papel doon sa drawer niya, nagsusulat ng kung anu-ano.
"Pirmahan mo na lang dito at ipapasa ko yan sa office." mukhang iritado pa rin siya. "Pwede ka na rin. Sabi naman nila magaling ka saa isa pa..." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.. "You look like one of us."
Pinirmahan ko naman yung papel na kung ano man yun. Saka naman nung natapos kami eh may nag-ingay doon sa labas.
"Yes! yes! Thanks bro!"
"Huwag kayong lumapit sa akin at may atraso pa kayo!"
Nagtawanan naman yung dalawa.
"Welcome sa team Chris." ngumiti naman ako.
"Ako nga pala si Slasher!" tapos pumorma naman sa harapan ko. "Codename ko."
"Ako naman si Black Panther!" isa pa yun, pumorma din na akala mo naman totoo.
"Ok naman pala ang codenames niyo eh!" tinapik ko yung isa sa balikat.
Tumayo naman yung kaninang kasigawan ko. Mukhang ito ang pinakamasungit sa kanilang lahat eh. Pumunta siya doon sa pintuan pero hinabol siya ni Slasher daw.
"At ito naman si Ash!" inakbayan naman niya.
"Aba.." naisipan ko namang purihin at baka bumait, "Maganda rin ang codename mo ha! Ash! Parang... kapag may apoy.. at may sinunog ka.. 'di ba? Yung sa Digimon ba yun?"
"It's Pokemon not Digimon." tuluyan na siyang lumabas. "And it's not my codename... it's my real name."
Tinakpan ko na lang yun bibig ko.
"Sabi ko nga!" sumigaw na lang ako at sana lang eh narinig niya.
Ngumiti na lang ako mag-isa at nakita ako nung dalawang kanina pa nangungulit. Nung nandito silang tatlo, lahat sila mga lalaki. Sana ma-enjoy ko ito. Syempre, bagong experience. Hindi naman ako magaling mag-skateboard eh. Naisipan ko lang. Sabi nila magaling daw ako.. ewan ko.
Pero syempre, bakit naman ako matatakot mag-try ng pang-lalaki 'di ba? Sila lang ba yung mya kaya nun? At kung tutuusin, kayang-kaya kong pumorma at kumilos gaya nila.
Katulad ngayon...
Nung tatlo silang kasama ko dito sa loob... parang hindi ako kakaiba. Isa pa, matagal ko naman nang naririnig sa mga tao sa school na ito..
'Ahh.. si Chris ba? Sino namang magkakagusto dun?'
'Eh mas maangas pa yata sa akin yun eh!'


bravenet.com